YAKAN Sila lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsusuot ng malong ang lalaki at babae. isinusuot ng lalaking Yakan ang malong sa kaniyang ulo samantalang nakapulupot naman ito sa baywang ng mga babae. Patriarka ang uri ng lupaing Yakan. Maaari ding magpakasal ng higit sa apat ang lalaki kung may kakayahang magbigay ng sapat na kabuhayan.
Sunday, October 16, 2016

BAGOBO Matatagpuan sa mga baybaying golpo ng Davao. Maputi ang kutis at kulay mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang Bayani, ang Mandirigma, at ang pinuno ng mga ito ang Datu na tumatayong huwes, nag-aayos ng gulo at tagapagtanggol ng tribo.
BADJAO Naninirahan sa Sulu. Samal ang kanilang wika. Nakaira sila sa bangkang-bahay na may iisang pamilya na binubuo ng dalawa hanggang tatlongpu. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa din sila ng mga Vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Karamihan sa mga Badjao ay mga Muslim.
MARANAO Nakatira sila sa paligid ng lawa ng Lanao. Ang kahulugan ng “ranao” ay lawa kung saan hinango ang kanilang pangalan. Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng Maranao. Buo pa rin at hindi nai-impluwensiyahan ang kanilang kultura katulad ng disenyo ng damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso.
T’BOLI Sa Cotabato nakatira ang mga T’Boli. Gumagawa sila ng tela para sa mga damit mula sa T’Nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka. Maaaring magasawa ng marami ang mga lalaki, nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Ang kanilang ikinabubuhay ay pangangaso, pangingisda, at pangunguha ng mga prutas sa kagubatan.
Subscribe to:
Posts (Atom)